
Isang source namin nagsasabing nakakatakot ang pag-apply sa kanila dahil kinakailangan mong e provide sa kanila ang iyong email address. Sabi ko normal naman talaga na magbigay tayo ng email address sa mga lending companies para sa communication purposes. Mas madali kayong ma-contact kung alam nila ang email at ang mobile number mo. Pero sabi niya, kakaiba daw si PONDO PESO dahil pati PASSWORD ng email mo ay kailangan mo rin e provide sa kanila.
Nakarami na kami sa pagawa ng mga reviews at guide ng mga lending companies pero ngayon ko lang narinig na pati ang password ng inyong email ay kukunin din nila. Sa isip ko naman, medyo kahina-hinala dahil sa teknolohiya natin ngayon, pwede na nila mabuksan ang ating email address sa pamamagitan ng pagbigay mo ng iyong email address at password. Kung halimbawa ang iyong mga bank details ay nandon din sa iyong email, pwede nila itong mapasok dahil maaari silang mag FORGOT PASSWORD sa mga online banking mo at agad nila makuha ang detalye. Maaaring ito'y labag sa iyong privacy dahil pwede itong gagamitin nila paghahabol sa'yo kung hindi mo nabayaran utang mo o pwede ding papasokin nila ang bank account mo at kunin ang mga laman kung sakaling mayron ito pundo.
So far, wala pa namang ganong masamang nangyayari sa mga pumasa na sa kanila pero dapat talaga nating ingatan ang mga sensitive details o yong mga confidential nating information tulad ng BANKS at mga business transactions na nandon sa email address na binigay mo sa kanila. Extra careful sa pagbibigay ng information sa kahit kanino. Maaring hindi mo namamalayan na ninakaw na pala ng mga nagkukunwaring nagpapautang.
Bukod sa email address at password, hinihingi din umano nila ang pincode ng inyong atm card. Nakakagulat kung totoo talaga yon. Kaya medyo natagalan kaming ilabas itong review tungkol kay Pondo Peso. Sana walang maitim sila na balak sa mga nagiging client nila sa pautang. Pero para makasigurado, pagkatapos nyong pumasa sa kanila at nakuha nyo na ang loan proceeds nyo, palitan nyo agad ang password ng inyong email at pincode ng inyong atm card.
Sakaling mayron kayong napansin na hindi maganda, huwag kayong mag-atubiling dumulog sa amin para mabigyan natin ng awareness ang mga kapwa natin na maaaring maging biktima ng mga manloloko. Dahil dumadami ang pumasa sa kanila, we consider their company as legit pero minamanmanan namin ang kanilang proseso at inaantay namin ang mga feedback ng mga nakapasa na sa kanila.
9 Comments
i have a question regarding sa pondo peso , kasi po delayed na talaga ako sa payment sa kanila sa di inaasahang pangyyri sakin at sobra pinipiga ni;a ako at everyday daw talangang tumatakbo ang interes na halos di kana makakaahon sa kanila ano po pwede ko gawin , dahil sobrang down po ako ngaun at di ko inaasahang na maggipit ako . tapos pinagkakalat pa nila sa mga character rreference ko na may utang ako .
ReplyDeleteYon talaga ang policy nila sa paniningil. Para hindi lolobo ang utang nyo sa kanila, bayaran nyo po ang interest para ma extend for another 30 days. Yon ang ginagawa ko para hindi lalaki ang buong halaga at maging doble-doble pa ang interest ati penalty.
Deletehumihingi ako ng kait konting pakiusap baka pwede staggard payment since 14 days lang ang pagitan ng loan nila ... pero sinasabi nila nasa terms and condition siya na pinirmahan ko daw ..
ReplyDeleteGanun talaga sila pero kung binayaran mo ang interest, they will extend for another 30 days at hindi lalaki uutang nyo po.
DeleteSir 14 days nga lang ang palugit nila and yet masama pa dun may kaibigan ako na di ko naman ginawang reference pero sinabi niya nakareciv sia ng text from them about my past due. nkaka alarm lang kasi san nila nakuha yun contact no. ng kaibigan ko .
ReplyDeleteNong inalaw nyo sila to access your contacts, kinuha na nila ang lahat ng naka stored sa inyong contacts. Yon pinaghahawakan sakaling hindi kayo magbabayad.
Deleteat nananakot pa na iddemanda ka nila
ReplyDeletedi po ba ayon kay pangulong Duterte bawal ang ganitong pautang na mas lalong pinahihirapan ang umuutang instead na tinutulungan? bakit continue pa rin ito?30% na nga ang isang buwan may interest pa sila bawat araw if madelayed ka.......pinapatay nila mga taong nahihirapan....wala ba silang kunsensya? hindi ba nila dapat baguhin policy nila? nagdudulot sila ng sakit at stress sa mga taong may sakit na....Kristiyano ba sila?.........umutang nga sa kanila kasi wala matakbuhan sa kahirapan....mas lalo nilang binabaon sa kahirapan hindi lang sa kwarta pati buhay ng mga tao tinutulak nilang magkaproblema lalo. Saan ang hustisya dito? Please help what to do? may pambayad naman kami pero hindi kaya itong walang hustisya na interest nila at penalty......mas malaki pa yata sa amount ng inutang mo........imbes na tumulong sila.....sila pa itong tinutulungan at pinapayaman lalo.........please think of it........
ReplyDeleteWala tayong magagawa kasi tayo ang nangangailangan...hindi mo ba nababasa ang experience ko sa Moola Lending? P20,000 lang inutang ko pero ang naibigay kong interest sa kanila sobra P70,000 pero wala eh, kailangan kong magbayad at umutang kasi ako ang nangangailangan pero hanggang this month nalang. Bababayaran ko na ang inutang ko, puro interest lang kasi biniyaran ko sa halos limang buwan...Ayaw kong magka problema sa mga tawag2 sa mga kaibigan ko kaya gumawa ako ng paraan.
Delete